Matthew Wright maglalaro para sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

Patuloy ang paghaba ng listahan ng mga PBA players na naglalaro sa Japan Basketball League.

Kabilang sa mga dumagdag sa listahan ay ang ace player ng Phoenix Super LPG na si Matthew Wright.

Ayon sa report maglalaro si Wright sa koponan ng Kyoto Hannaryz.

Nabatid na pormal na ding nagpaalam ang Fil-Canadian shooter sa kanyang PBA ballclub matapos ang anim na taong paglalaro nito sa koponan.

Maliban kay Wright, nabatid na ilang magagaling na basketball player ng bansa ang naglalaro sa B.League katulad nina Thirdy at Keifer Ravena, Kobe Paras, Dwight Ramos, at Ray Parks Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *