Mechanized Hunter Company nakilahok sa 7ID-wide simultaneous blood donation activity

Nakilahok ang Mechanized Hunter Company ng Philippine Army sa katatapos lamang na 7ID-wide simultaneous blood donation activity sa Tent City, Barangay Bulawen, Palauig, Zambales.

Ang aktbidad ay upang makapagbigay ng libreng dugo sa nangangailangan at makatulong.

Nakiisa dito ang Phil. Army, Zambales Police, James L. Gordon Hospital at Zambales Provincial Health Office.

Ayon kay Commanding Officer Lt. Norman Oliver Adlaon, ang nalikom na mga dugo ay dadalhin sa blood bank ng James Gordon Hospital.

Dagdag pa ni Adlaon, mahalaga ang bawat uri ng dugo dahil makadurugtong ito ng buhay ng nangangailangan.//Russell Banawa-BNFM IBA

May be an image of 1 person and text that says 'Power Cells 6i in Salabat Herbal Mix Ginger Brew Ang sobrang pagod na kalamnan ay isang senyales na kinakailangan ng iyong katawan ng pahinga. Power Cells 6IN1 Salabat Brew wCells6IN1 Salabat .. 10gX25S SHOP NOW! Lazada Û.aa- www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *