Media Security Task Force nakatutok sa slay case ng radio anchor Davao del Sur

Tiniyak ng Presidential Task Force on Media Security na tinututukan nila ang kaso sa pagpatay sa reporter at radio acnhor na si Orlando “Dondon” Dinoy.

Ayon kay Media Security Task Force Executive Director Undersecretary Joel Egco may mga person’s of interest na sila na posibleng may kinalaman sa pagpaslang kay Dinoy.

Tumanggi naman si Egco na isapubliko ang ilang detalye sa pagpatay sa radio personality dahil baka maka-apekto umano ito sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Nabatid na banaril-patay di Dinoy ng mga armadong suspek sa loob mismo ng pamamahay nito sa Bansalan, Davao Del Sur.

Sa record ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) si Dinoy ang ika-21 mamamahayag na napatay simula noong 2016.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *