Mga alkalde sa Albay nagsagawa ng ‘virtual conference’ at tinalakay ang mga gagawing hakbang ng bawat LGUs sa muling pagtaas ng COVID-19 cases sa Bicol

BNFM BICOL—Bunsod ng muling pagsirit ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region at maging sa loob ng rehiyon, nagpatawag ng virtual conference si Albay Governor – Al Francis Bichara sa lahat ng mga alkalde sa naturang lalawigan upang pag-usapan ang mga gagawing hakbang ng bawat LGU upang makontrol at mapigilan ang muling pagdami ng mga COVID-19 cases sa lugar.

Sa naturang pagpupulong, kasama sa mga natalakay ang tungkol sa pagkakaroon ng kontrol sa pagdagsa ng mga tao sa mga pampublikong lugar sa partikular ang mga pamilihan, mga estbalisiyemento at maging ang paglilimita sa pagsasagawa ng mga ‘super spreader events.”

Natalakay din ang pagpapatupad ng localized granular lockdowns; pilot implementation ng ‘face to face’ learnings at ang suliranin ng ilang mga LGUs sa pagkakaroon ng mababang vaccination coverage.

Napagkasunduan rin ng mga alkalde ang tungkol sa pagpapatupad ng ‘uniform regulations’ pagdating sa travel protocols ng probinsya para sa mga biyaherong papasok at palabas ng Albay.

Sa ilalim ng naturang usapin, inatasan ang bawat LGUs na i-secure ang kanilang mga border checkpoints sa lahat ng mga biyaherong papasok at palabas ng lalawigan.

Papahintulutan naman ang mga batang edad 11-anyos pababa na makapagbyahe sa kondisyong may kasama itong guardian na ‘fully vaccinated.’

Kaugnay nito, nagpasya rin ang mga alkalde sa probinsya na tanging ang mga bakunadong indibidwal lamang ang pahihintulutang makapasok sa mga malls, restaurants at iba pang mga establisyemento.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *