Mga buntis kasama sa nabakunahan sa Tabaco City

LEGAZPI-Sinimulan na kahapon ng Rural Health Unit at DOH Vaccination team ang pagbabakuna para sa mga buntis sa Tabaco City sa lalawigan ng Albay.

Ito ay matapos na isama ng DOH ang mga buntis sa prayoridad na mabakunahan para maprotektahan kontra Covid 19.

Maliban sa mga buntis, tuloy tuloy pa rin ang sinasagawa ngayon na COVID-19 vaccination roll out sa BUTC Gym simula pa noong nakaraang linggo.

Noong lunes nakapag akomoda sila ng aabot sa 1,300 residente na nabakunahan ng sinovac vaccine.

Binuksan rin nila ito para sa mga walk in para mabigyan ng schedule ng pagbabakuna.

Samantalang, nanawagan naman ang LGU sa mga di pa nagpapabakuna na samantalahin na ang pagkakataon habang may bakunang dumarating at maprotektahan ang sarili kontra sa nakakahawang sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *