Mga dating Pangulo , imbitado sa huling SONA ni PRRD

Imbitado ang mga dating Presidente ng Pilipinas sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte na gaganapin sa darating na July 26, 2021.

Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, bawat SONA naman ay talagang imbitado o awtomatikong imbitado ang mga nakaraang lider ng bansa.

Kabilang sa mga dating Pangulo na imbitado ay sila Fidel V. Ramos, Joseph Estrada at Gloria Macapagal Arroyo.

Samantala, maging ang mga dating matataas na lider ng Kamara at Senado, maging ang mga dating mahistrado ng Korte Suprema ay iimbitahan rin.

Mababatid na nauna nang sinabi ni Mendoza na bilang bahagi pa rin ng ipapatupad na health protocols, kinakailangan na fully vaccinated na kontra covid-19 ang lahat ng dadalo sa SONA.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang paghahanda ng Kamara para sa SONA 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *