Mga datus sa anti-drugs ops, ibigay sa Human Rights Group, ICC – Pangulong Duterte

Ibinida ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kritiko ng ‘war on drugs campaign’ ang sunod-sunod na matagumpay na drug operation kamakailan na nagresulta ng pagkakasabat ng tone-toneladang illegal na droga.

Ayon sa Pangulo dapat bigyan ng datus ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) ang Commission on Human Rights pati na ang International Criminal Court o ICC.

Aminado naman ang Pangulo na sa kabila ng maigting na kampanya sa illegal drugs ay marami pa rin nagtatangka magpuslit nito.

Inihayag naman ni Pangulong Duterte na tiyak na maraming mga pinoy ang makakahithit nito kung hindi napigilan ng mga otoridad.

Binati naman ng punong ehekutibo ang lahat ng ahensiya tumulong para masabat ang tone-toneladang kontra-bando.

Nabatid na iniulat ng DILG ang pagkakasabat sa P13.2 billion halaga ng iligal na droga sa loob lamang ng dalawang linggo na itinuturing na pinakamalaking accomplishment sa kasaysayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *