Mga economic managers magka-klase kaya iisa ang suhestyon sa Rice Tariff ayon sa grupo ng mga magsasaka

Nagbubunyi ang isang grupo ng mga magsasaka sa bansa sa naging pagbasura ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mungkahi na pansamantalang bawasan ang buwis sa inaangkat o imported na bigas.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Raul Montemayor, National Manager, Federation of Free Farmers Cooperatives, Inc., ikinatuwa ng mga ksamahan nilang magsasaka ang pagpabor sa kanilang kahilingian na huwag alisin ang taripa sa inaangkat na bigas.

Tila may patutsada naman si Montemayor kina Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno, National Economic and Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio Balisacan at dating NEDA Chief Cielito Habito.

Kung maaalala, mariing sinabi ni Pang. Marcos na hindi napapanahong bawasan ang buwis ng imported rice dahil ang projection sa pandaigdigang presyo ng bigas ay pababa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *