Mga hindi pa nakakapag parehistro ng simcard may 5 days grace period sa pagpapa-reactivate – DICT Camarines Sur

CAMARINES SUR- Binigyan pa ng limang araw na grace period ang mga hindi pa nakakapagparehistro ng kanilang  Subscriber Identity Module (SIM) card mula July 25 o sa patatapos ng pinalawig nang registration.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Pinky Nepomuceno ng Department of Information and Communication Technology (DICT) – Camarines Sur. Una nang sinabi ni Secretary Ivan John Uy na nakapalaman ito sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng  SIM Registration Act.

Ayon kay Nepomuceno , wala nang extension ang grace period. May link aniya na isesend ang mga telecommunication company pero kung wala pa, puwedeng bumisita sa mga opisina ng telcos upang mag pareactivate at tuluyan nang i-rehistro ang simcard. Sa obserbasyon naman ng DICT head sa lalawigan paisa-isa na lamang ang pumunta sa kanilang mga booth noong Hulyo 25 kumpara noong Abril kaya naniniwala itong maliit na porsyento na lamang ang hindi nakapagparehistro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *