Mga hog raisers na apektado ng depopulation dahil sa ASF, nakatanggap na ng ayuda mula sa LGU Surallah

KORONADAL CITY- NAKAPAGRELEASE na ng P 615,000 na ayuda ang local government unit ng Surallah sa 24 na mga hog raisers sa naturang bayan na apektado ng isinagawang depopulation dahil sa African Swine Fever o ASF sa Barangay Naci.

Inihayag ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer o MDRRMO Leonardo Ballon na ang mga nagmamay-ari ng baboy na may bigat na 80 kilos ay nakatanggap ng tig P 5,000 na assistance; P 4,000 sa mga 40 hanggang 79 kilos; P 3,000 sa mga 39 kilos; at P 2000 sa mga baboy na 19 kilos pababa.

Napag-alaman na naglaan ng P780,000 ang LGU -Surallah para sa ayuda at disinfection.
Sa ngayon, negatibo na sa ASF ang mga baboy na kinunan ng blood samples sa naturang lugar batay sa report ng municipal agricultures office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *