Mga kalalakihan ng isang pamilya sa Bangladesh, isinilang na walang fingerprints

Bangladesh—Bahagi ng ating identity o pagkatao ang guhit sa ating mga palad o fingerprints. Sa modernong panahon na ating ginagalawan ngayon, kadalasan nang ginagamit ang ating fingerprints bilang parte ng ating pagkakakilalan mapa ID man, passport, biometrics at sa iba pang mga mahahalagang  dokumento.

Kung inaakala niyo na lahat ng mga tao sa mundo ay may fingerprints, akala niyo lamang iyon, dahil sa katotohanan isang pamilya sa bansang Bangladesh ang mga ipinanganak na walang fingerprints.

Pawang ang mga kalalakihan sa angkan ng pamilya Sarker ang ipinanganak na walang anumang bakas o guhit sakanilang mga palad o daliri. Ayon kay Amal Sarker, nahihirapan sila sakanilang sitwasyon lalo na at hindi sila makakuha ng mahahalagang dokumento sakanilang bansa bunsod ng kawalan ng fingerprints.

Bagamat marunong magmaneho ay hindi naman siya makakuha ng driver’s license at hindi rin sila makapag abroad ng kanyang kapatid dahil wala rin silang pasaporte.

Ayon sa isang espesyalista na komunsulta sakanilang kondisyon, ang kanilang angkan ay mayroong sakit na kung tawagin ay Adermatoglyphia.

Ang Adermatoglyphia ay isang madalang at kakaibang kondisyon kung saan walang fingerprint o linya sa mga palad ang isang tao. Ito ay hereditary o namamanang uri ng sakit kung kaya halos ang angkan ng mga Sarker sa nasabing bansa ay may pare-parehong kondisyon.

Idinulog na ng pamilya Sarker ang kanilang sitwasyon  sa National Identity Card Department ng Bangladesh at ayon sa mga ito, posible umanong pahintulutan ang kanilang pamilya na gamitin na lamang sa biometric data ang retina ng kanilang mata sa anumang dokumento na mangangailangan ng kanilang identity.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *