Mga LGU sa Pampanga, nagsimula na sa pagbuo ng Devolution Transition Plans

Nagsimula na ang mga Local Government sa Pampanga sa pagbuo ng kani-kanilang Devolution Transition Plans o DTPs.

Kahapon nagsagawa ng isang malakihang oryentasyon ang Department of Interior ang Local Government o DILG na nilakuhan ng higit dalawandaang miyembro ng LGU Devolution Transition Committee o DTC at Technical Working Group o TWG ng probinsya.

Layunin nitong mabigyan ng mas malalim na kaalaman at impormasyon tungkol sa pagbuo ng nasabing plano ang mga LGUs upang magampanan ang mas malaking tungkulin kaakibat ng pagtaas ng National Tax Allotment o NaTA, at pagpapatupad ng mga devolved functions and services mula sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan simula 2022. 

Tiniyak naman ng DILG Pampanga na patuloy na aantabay at susuporta ang departamento sa mga LGUs kasama na ang pagbibigay ng technical assistance upang maging matagumpay ang pag-transition ng mga lokal na pamahalaan tungo sa full devolution.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *