Mga lugar na isinailalim sa granular lockdown, tumaas sa 116 mula sa 85

Inanunsyo ng Philippine National Police na mula 85 ay tumaas sa 116 ang bilang ng mga lugar na isinailalim sa granular lockdown.

Sinabi ng PNP na 76 mula sa nasabing bilang ay naiulat sa National Capital Region (NCR), 33 mula sa Cagayan, 5 sa Mimaropa, at tig-isa mula Ilocos at Cordillera.

Ayon sa pulisya, tinatayang nasa 446 na katao ang naapektuhan ng granular lockdowns.

Samantala, para naman tiyakin ang seguridad at pagsunod sa minimum health standards sa mga concerned areas, ay sinabi ng PNP na nag-deploy ito ng 191 tauhan at 225 na force multipliers.

Mababatid na ang granular lockdowns ay ang micro-level quarantine para sa mga piling lugar na natukoy ng locak government unit (LGU) bilang “critical zone”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *