Mga mahaharang na may pekeng vaccination card, kakasuhan na. Official vaccination ID card ilalabas ng Camarines Sur provincial government

NAGA CITY- May mga pribilehiyo para sa mga bakunado na kontra COVID-19 tulad sa bilang ng quarantine days, kabilang din ito sa ipiniprisenta sa mga border control points.

Ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni PLt. Christian Oida, OIC Chief of Police ng Del Gallego PNP na bago ang muling pagsasailalim sa Enhanced Community Quarantine sa  National Capital Region  maraming insidente. Iniuutos na rin sa kanila na ang mga mahaharang pa ay hindi na lamang pababalikin kundi kakasuhan ng paglabag sa RA 11332 o “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act”.

Samantala, inihayag din ni Governor Migz Villafuerte na sa nalalapit na panahon ilalabas na ang official CamSur vaccine ID card. Hindi papel, hindi madaling mabasa at higit sa lahat hindi madaling mapeke.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *