Mga medicine students sa Cambridge University, gumagamit ng “hologram patients” sakanilang training

Kakaiba ang pasyente ng mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa medisina sa Cambridge University sa United Kingdom.

Imbes kasi na taong may sakit ang kanilang pag-aralan at gamutin, gumagamit sila ng isang hologram patient na gawa ng teknolohiya.

Ang hologram ay isang three-dimensional image na nabuo sa pamamagitan ng interference ng mga light beam mula sa isang laser o iba pang magkakaugnay na pinagmumulan ng liwanag.

Ang nasabing mga medical student ay kinakailangang magsuot ng HoloLens mixed reality headset para masilayan nila ang bawat isa habang ginagamot ang isang holographic patient.

Dahil dito lubos na makikita, maririnig at magagamot ang nasabing hologram patient.

Ang mga sakit ng hologram patient na maari nilang gamutin ay asthma, anaphylaxis, pulmonary embolism at pneumonia habang nasa developing stage naman ang module ng mga hologram patient na may kinalaman sa cardiology at neurology. ### KENNETH BERMIL, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *