National

Mga nasawing rescuers sa Bulacan, kinilala bilang mga bayani ng kanilang mga kasamahan

Kinilala ng probinsya at kapwa mga disaster workers ang limang rescuers na tinangay ng baha sa kasagsagan ng rescue operation sa Bulacan dahil sa bagyong Karding.

Ayon sa head ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, sina George Agustin, 45; Marvy Bartolome, 36; Narciso Calayag Jr., 33; Troy Justin Agustin, 30; at Jerson Resurecion ay handang isakripisyo ang kanilang buhay para makapagsilbi sa publiko.

Pagbabahagi ni Bulacan PDRRMO head Liz Mungcal, na timirik ang truck ng mga rescuers dahil sa baha, kaya gumamit ang mga biktima ng banka at dumiretso ng gas station, bilang ito umano ay flat area, pero bumigay ang pader sa katabi nito na bumagsak sa vessel, dahilan para mahigop sila ng malakas na agos.

Samantala, sinabi naman ni Governor Daniel Fernando na magbibigay ang provincial government ng mataas na parangal para sa mga nasawing rescuers, at pagpapaabot ng tulong sa kanilang mga naiwang pamilya.

DILG, nagbigay-pugay

Kinilala ni Interior Secretary Benhur Abalos ang kabayanihan ng limang mga rescuers sa Bulacan na nagbuwis ng kanilang buhay sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Karding.

Sa isang pahayag, nagpa-abot ang Kalihim ng ‘snappy salute’ para sa mga rescuers na sina Narciso Calayag, Jerson Resurreccion, Marvy Bartolome, George Agustin, at Troy Justin Agustin.

Isa umano silang patunay sa ‘geniuine’ na public service kahit na ang kapalit nito ay ang sarili nilang mga buhay.

Umaasa si Abalos na ang kanilang dedikasyon sa trabaho ay magiging inspirasyon sa lahat ng mga Pilipino.

Dapat aniya’y maipakitang hindi masasayang ang ginawa nilang pagbubuwis ng buhay para sa serbisyo sa kanilang mga kapwa.
#

RELATED STORIES:

Isang senior citizen, kumpirmadong patay sa Quezon

5 rescuer patay sa pananalasa ng bagyong ‘Karding’ sa Bulacan

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago