National

Regalong ari-arian ni Quiboloy, nauwi lang sa mga akusasyon ng graft – Duterte

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga regalo sa kanya ng kanyang malapit na kaibigan na si Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ, ay humantong lamang sa mga alegasyon ng graft laban sa kanya.

Sa isang panayam sa Pangulo ay sinabi niya na nakatanggap siya ng bahay mula sa pastor, na ginamit ng kanyang mga kritiko tulad ni Senator Antonio Trillanes para akusahan siya na sangkot sa mga maanomalyang mga transaksyon.

Ipinunto ng Punong Ehekutibo na natanggap niya ang bahay mula kay Quiboloy noong alkalde pa lang siya ng Davao City.

Nilinaw naman ng Pangulo na hindi niya pa pag-aari ang ibinigay sa kanya na bahay dahil ang kasunduan nila ni Quiboloy ay tatanggapin niya lamang ito oras na nakapagretiro na siya sa pulitika.

Samantala, inihayag naman ng Pangulo na balak niyang tumira sa nasabing bahay oras na matapos ang kanyang termino sa 2022.

Dinipensahan naman ni Quiboloy ang regalo niya sa Pangulo, at sinabi na ibinigay niya ito dahill sa kanilang pagkakaibigan.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

3 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

3 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

3 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

3 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

4 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

4 hours ago