Walang nakikita si Pangulong Rodrigo Duterte na kahit sino na deserving na mapalitan siya oras na magtapos ang kanyang termino sa 2022.
Sa isang panayam ay sinabi ng Pangulo na sinabihan niya ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na huwag tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2022.
Ipinunto ng Punong Ehekutibo na kinausap niya ng masinsinan ang kanyang anak noong isang gabi, upang sabihan ito na huwag magkakamali na tumakbo sa pagka-Pangulo.
Ipinaliwanag ng Pangulo kay Mayor Sara na wala itong makukuha na maganda sa pagiging presidente ng bansa.
Anya, puro trabaho lamang ang inaatupag ng isang Pangulo.
Mababatid na ilang ulit nang lumalabas ang alkalde bilang number one sa mga presidential surveys sa kabila ng patuloy na pagtanggi nito na siya ay tatakbo para sa pagka-Pangulo sa 2022 elections.
Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…
Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…
Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…
Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…
Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…
Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…