Mga ospital sa China nagkukumahog matapos ang shift sa kanilang COVID-19 policy

Under pressure ngayon ang mga ospital sa China dahil sa 180-degree shift ng kanilang bansa sa COVID-19 policy na posibleng mahawa ng mga doktor at nurses ang kanilang pasyente.

Ayon kasi sa report, pinapapasok pa rin sa mga ospital ang mga doktor at nurse kahit mayroon silang simtomas ng virus dahil sa kakulangan ng staff.

Inihayag ng Chinese professor at specialized sa health policy na si Chen Xi na base sa kanyang pakikipag-usap sa ilang hospital directors at ibang medical staff sa China, no choice sila kundi ang pumasok.

Napag-alaman na nagdagdag na ng fever ward capacity ang mga ospital pero mabilis pa rin itong napupuno ng mga pasyente.

Aminado naman si Chen na ang mga tao ay nagpupunta sa ospital kahit minor symptoms kaya lalong mabilis na mapuno ang mga healthcare facilities.

Samantala, mababa pa rin ang bilang ng mga customers sa mga restaurants kahit nagluwag na ng restrictions habang tahimik ang mga kalsada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *