Mga priority programs ng DOST at DENR, tinalakay sa cabinet meeting

Iniulat ng Malacañang na tinalakay sa ginanap na cabinet meeting ngayong araw sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang mga priority programs at projects ng Department of Science and Technology (DOST) at ng Department of Environment and Natural Resources.

Sa Malacañang press briefing, inihayag ni Press Secretary Atty. Trixie Cruz Angeles na kabilang sa mga prayoridad na programa ng DOST ay ang pagbuo ng Technology Based Enterprises and Jobs for Regional Development, seguridad sa pagkain, kalusugan at sa patubig, environmental protection at enerhiya.

Kasama naman sa mga plano ng DENR ay ang Enhancement of the Natural Capital Accounting System, budget realignment at ang mas mahusay na pakikipag-ugnayan sa mga LGU’s at ibat-ibang sektor.

Target din ng DENR na makalikha ng mas maraming trabaho sa pamamagitan ng kanilang ahensya.

Bukod dito, kabilang din aniya sa mga pinatalakay ni Pangulong Marcos sa DENR ang seguridad sa tubig.(CLAY MARQUEZ)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *