Sasampahan ng kasong Conduct Unbecoming of a Police Officer ang 3 miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nagpositibo sa isinagawang drug test at confirmatory test.

Maliban dito, kinumpirma rin ni PNP PIO chief Jean Fajardo na na-relieve na ang naturang mga pulis, at kung mapatutunayan – posibleng tuluyang masibak ang mga ito sa kanilang serbisyo.
Mababatid na mula sa 950 na mga police officers na subject sa random drug test, sa mga ito ang napag-alamang positibo sa ilegal na droga.
Isa sa mga ito ay ang dating hepe ng Mandalayong City Police Station, habang ang dalawa naman ay mga non-commissioned officers.