Mga responsable sa pag-hack sa offcial FB page ng PCG, gumamit umano ng malicious software para mapasok ang kanilang social media account

Gumamit umano ng malware o malicious software ang tatlong hackers kaya napasok ang official facebook page ng Philippine Coast Guard.

Alas 5:45 kaninang umaga nang mabawi ng Coast Guard Public Affairs Service ang full access ng kanilang FB account matapos ma-hack noong Lunes.

Ayon kay PCG Spokersperson, Rear Admiral Armand Balilo, natukoy ang tatlong hackers sa facebook names na Fatima Hasan, Murat Kansu at Vicky Bates.

Natukoy ang mga ito sa tulong ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center ng Department of Information and Communications Technology o DICT.

Nagpasalamat naman ang PCG sa DICT sa malaking tulong ng ahensiya para mabawi ang kanilang social media account at mapalakas ang kanilang online security.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *