Mga senador binawi na ang contempt order vs 6 na pulis sa Manila drug bust

Binawi na ng mga senador ang pag contempt sa anim na pulis na dinawit sa tangkang cover-up sa pulis na nahulihan ng halos isang tonelada ng shabu.

Sila ay sina Police Captain Jonathan Sosongco ang natanggal na Unit team head Captain ng PDEG, Police Master Sergeant Carlo Bayeta at mga Patrolman na sina Rommar Bugarin, Hustin Peter Gular,  Hassan Kalaw, at Dennis Carolino.

Binawi nina Senator Ronald Dela Rosa at Jinggoy Estrada ang pag contempt dahil sinagot na ng mga pulis ang mga tanong sa gitna ng pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs.

Hindi kagaya noong nakaraang linggo na tikom ang kanilang bibig at nag invoke ng right against self-incrimination.

Sabi ni Sosongco noong October 2022, hindi kasama ang lima noong mahuli si Police Master Sgt. Rodolfo Mayo Jr. na nakumpiskahan ng halos isang tonelda ng shabu , habang ayon sa limang pulis pinasunod lang sila sa lugar kung saan nakuha ang mga shabu.

Habang sila ay pinakawalan, pinabalik naman ni Estrada sina  P/SSgt. Jerrywin Rebosora at P/Master Sgt Lorenzo Catarata sa detention ng senado na kapwa inakusahan na bumawas sa shabu na nakuha kay Mayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *