Mga tawag na natanggap ng Disaster Management Office noong may pagbaha, nabawasan dahil sa mga rescuer ng barangay

Napadali ang trabaho ng mga tauhan ng City Government sa katatapos na pagbaha sa Olongapo.

Ito ay dahil sa halip na marami ang mga pamilyang kailangang ilikas dahil sa pagbaha ay ang mga rescuer at volunteer na ng mga barangay ang rumeresponde.

Ayon kay City Disaster Risk Reduction Management Officer Angie Layug, naging madalang ang tawag na natanggap ng opisina para magpasaklolo kumpara noong mga nakaraang taon na may kalamidad.

Pagmamalaki ni Layug, magagaling at mahuhusay ang mga barangay rescuer pagkatapos na sumalang sa pagsasanay ng city government at ng iba pang ahensya.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be a cartoon of 1 person and text that says 'Weak Immune System IMMUNITY ASCORBIC ACID Calcium Ascorbate) GUARD-C Strong Immune System SHOP NOW! Lazada'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *