Mga tsuper sa Olongapo, sinorpresa ng mga tauhan ng LTO

OLONGAPO – Nasorpresa ang marami sa mga tsuper ng ilan sa mga pampublikong sasakyan sa lungsod ng Olongapo.

Ito ay matapos na mamahagi ng relief goods ang maraming tauhan ng Land Transportation Office sa mga piling jeepney, bus at tricycle driver.

Ayon kay LTO Region 3 Dir. Ed De Guzman, ang pamimigay ng food packs sa mga PUV driver ay bahagi ng programa ng Department Of Transportation, LTO At Local Government

Ang LTO Malasakit Para Sa Bayaning Tsuper 2021 sa halip na hulihin at pagmultahin, paparahin ang mga pampublikong sasakyan para hanapan ng lisensya ang driver at rehistro nang pinapasada at kapag walang maipakita o expired na ay paalalahanan na mag-renew at sa halip na isyuhan ng tiket ay bibigyan pa ng food packs.

Bagamat exempted muna sa multa, obligado naman ang mga tsuper at operator na ayusin ang mga lisensya at rehistro bago papayagang makapamasada // Christian Andres – BNFM Olongapo

Photo Courtesy: Olongapo City Information Center

May be an image of food

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *