Miami Heat pasok na sa NBA Eastern Conference Finals

Sa ikalawang pagkakataon sa loob ng tatlong-taon muling papasok ang Miami Heat sa NBA eastern conference finals.

Ito ay matapos tuluyang tuldukan ng Heat ang serye kontra Philadelphia 76ers sa Game 6 ng east semis, 99-90.

Susi sa panalo ang 32 points ni Jimmy Butler habang 20 points naman ang nai-ambag ni Max Strus.

Nagkasya naman sa 11 puntos si 76ers star James Harden at si Joel Embiid ay kumamada ng 20 points at 12 rebounds.

Noong 2020 huling pumasok ang Heat sa East Finals kung saan hinirang ito bilang Eastern Conference champion subalit bigong makuha ang NBA title matapos talunin ng koponan ni Lebron James na Los Angeles Lakers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *