Motorcycle Riding Academy ng MMDA, bubuksan na sa Sep. 27

Nakatakdang pasinayaan ang Motorcycle Riding Academy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa darating na Sep. 27.

Layun ng bubuksang akademya na magkaroon ng pormal na training ang mga tauhan ng MMDA sa theoretical and practical aspects ng pagsakay ng motorsiklo gayun din sa basic emergency response training.

Kung maalala, daan-daang kaso ng vehicular accident ang naitatala sa daan kada linggo at majority sa mga ito ay kinasasangkutan ng mga motorsiklo.

Samantala, nakatanggap ng 10 motorcycle units ang MMDA mula sa isang Senador na magagamit sa pag-aaral ng mga traffic enforcer sa pagsasanay road courtesy and discipline at pagsunod sa traffuic rules.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *