Motorista, patay dahil umano sa tumawid na aso

Patay ang isang motorista matapos nitong mabundol ang tumawid na aso sa Bgy. San Isidro San Vicente, Palawan bandang alas-sais ng hapon nitong Linggo, April 23.

Ang biktima ay kinilalang si Manny Reyno Pablico, 49 anyos ng Barangay New Agutaya sa nasabing munisipyo.

Ayon sa San Vicente PNP, mula sa Barangay Alimanguan ang ang biktima at pauwi na sana nang maaksidente dahil umano sa aso.

Samanta, nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang biktima at hindi na ito nakarating ng buhay sa pagamutan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *