Motorista, patay matapos pumailalim sa nakaparadang truck sa Polangui, Albay; biktima, positibong nakainom ng alak

LEGAZPI CITY – Patay ang isang motorista matapos itong pumailalim sa nakaparadang truck sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Ubaliw, bayan ng Polangui, Albay.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Christopher Encisa, Supervisor ng Polangui Emergency Management Service – Quick Response Team, sinabi nito na mag-aalas 10 ng gabi nang kanilang nirespondehan ang biktima.

Napag-alaman nila na ang biktima na si Carl Saunar, 25 anyos ay galing sa Camarines Sur at papauwi na sana sa Polangui.

Aniya, nakasuot naman ng helmet ang biktima, subalit dahil sa tinamo nitong seryosong tama sa ulo, dead on arrival na ito sa ospital.

Dagdag pa ni Encisa, positino ang biktima na nakainom ng alak.

Sa ngayon, iniimbestigahan na rin ng PNP Polangui kung may pananagutan ang driver ng truck na nakaparada sa gilid ng kalsada.

Ikinakalungkot din ni Encisa ang halos sunod-sunod na aksidente sa naturang kalsada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *