MP Bai Dimple Mastura kabilang sa mga panauhin sa Turn Over ng Mobile Rice Mill sa mga dating MILF Combatants

Kabilang sa panauhin si Bangsamoro Member of the Parliament o MP Bai Dimple Mastura sa isinagawang turnover ng apat na unit ng rice mill sa bahagi ng Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao

Nabatid na tumanggap mula sa Department of Trade and Industry at OPAPP ang mga dating mandirigma ng Moro Islamic Liberation Front ng mobile rice mill.

Ayon kay MP Bai Dimple, layunin ng programang ito na mabigyan ng livelihood program ang mga dating MILF combatants. Nagpasalamat naman si MP Bai Dimple Mastura sa Department of Trade and Industry at OPAPP sa proyektong naipag-kaloob sa mga ito na sya nilang magagamit sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay.

Matatandaan na isa sa mga isinusulong ni MP Bai Dimple ay ang pagkakaroon ng mga livelihood program na nakapaloob naman sa kanyang flagship program na LIMO.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *