‘Multiple fatalities’ pinangangambahan sa banggaan ng 2 Cessna plane sa California

Pinaniniwalaang nagkaroon ng “multiple fatalities” matapos magbanggaan ang dalawang maliliit na eroplano sa airport sa California.

Ayon sa Federal Aviation authorities, dalawa ang sakay ng twin-engine Cessna 340 habang isa naman ang sakay ng single-engine Cessna 152.

Napag-alamang nagbanggaan ang dalawang eroplano habang kapwa nasa “final approach” sa Watsonville Municipal Airport.

Kinumpirma naman ng Federal Aviation Administration na masuwerteng walang nasaktan sa ground.

Hindi pa nagbibigay ng kumpirmasyon ang FAA hinggil sa tunay na kalagayan ng mga sakay ng eroplano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *