Nadine bumwelta sa basher matapos tawaging ‘matanda’

Hindi pinalampas ng aktres na si Nadine Lustre na buweltahan ang isang netizen na pumuna sa kanyang itsura at tumawag sa kanya na matanda.

Sinabi ni Nadine na nagtataka naman siya kung bakit hindi open ang mga tao na magbabago ang kanyang itsura ngayong 29 na siya kumpara noong siya ay 21 pa lamang.

Isa pang basher ang nagbigay ng negatibong mensahe kay Nadine at sinabihan siyang mukhang madumi at dry ang kanyang balat kaya siya mukhang matanda.

Buwelta ni Nadine, di bale nang mukhang madumi atleast daw hindi kasing dumi ng ugali ng basher.

Marami namang fans ang nagsabi kay Nadine na huwag nang pansinin ang mga bashers dahil maganda pa rin siya at mas mukhang bata kaysa sa kanyang edad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *