Local News

Naga City, kinukulang na sa ambulansya dahil sa COVID-cases

NAGA CITY- Nagrereklamo ang ilang mga COVID-patient na dapat dalhin sa isolation facility o kaya sa treatment facility dahil maraming pagkakataon na naiinip sila sa kahihintay ng ambulansya.

Sinabi ni City Health Officer Dr. Butch Borja na sa dalawang hawak nila ngayong ambulansya ang isa rito ang ginagamit sa paghatid ng specimen sa Bicol Regional Diagnostic and Reference Laboratory (BRDRL)sa Legazpi habang ang isa ay ginamit sa pagsundo at paghatid sa mga pasyente sa ospital o mga isolation and treatment facility. Kaya malaking problema aniya kapag magkakaaberya ang isa.

Bukod sa dalawang gamit ng City Health may lima pang nasa ilalim naman ng City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRM, subalit ngayong pandemya sinabi ni CDRRM Officer Erning Elcamil na may mga pagkakataong 12 na ambulansya ang kailangan sa parehong pagkakataon. Dahil dito humihiram na sila ng ambulansya sa mga pribadong tanggapan tulad ng Philippine Red Cross, minsan ay humihiram na rin sa provincial Government ng Camarines Sur.

BNFM Naga

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

24 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

24 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

24 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago