Nalalapit na pag expire ng COVID-19 vaccine, ikinababahala ng DOH Camarines Sur

NAGA CITY- Nababahala ang Department of Health (DOH)- Camarines Sur sa nalalapit na pag expire ng COVID-19 vaccine ngayong paunti-unti na ang nagpapabakuna at nagpapaturok ng booster.

Ayon kay Dr. Rey Millena, marami ang bakuna at marami rin ang team na nagbabakuna, isama pa rito ang mga nag babahay-bahay.  Masasayang aniya ang bakuna kung ang mentalidad ay wala nang virus.

Sa Press Conference ng DOH-Bicol , sinabi ni Regional Director Dr. Ernie Vera na aabot sa 400K na COVID-19 vaccines ang malapit nang mag expire, wala man itong sinabing eksaktong petsa, nag-aalala rin dahil sayang ng pondo para rito.

Samantala, bukod sa pagbaba ng kaso ng sakit , pinagbabatayan din ang bilang ng nabakunahan sa pagtatakda ng Alert Level System.

Ibinaba sa Alert Level 1 ang buong lalawigan ng Albay at Catanduanes napanatili ang status sa Naga mula Abril 1-15, 2022. Kasama rin ang Iriga City,  Bombon, Cabusao, Camaligan, Presentacion (Parubcan) at San Fernando sa Camarines Sur.

Kaugnay nito, nakikiusap si Millena sa lahat na magpabakuna upang makabalik na sa normal na pamumuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *