Nasa 100k halaga ng shabu, nakumpiska ng mga otoridad sa isang 49 anyos na babae

CAMARINES NORTE- Nagkakahalagang isang daang libong (Php100,000.00) piso ng hinihinalang shabu at  tinatayang umaabot sa sampung (10) gramo ang nasamsam sa isang tulak na babae sa isinagawang buy-bust operation pinag-isang pwersa ng mga otoridad dakong 6:15 ng gabi nitong Hulyo 6, 2021 sa Purok 4, Central Plaza Complex, Barangay Lag-on, Daet Camarines Norte.

Ang suspek ay kinilalang si  Felisa Amelia Gilana Y Develez, residente ng Purok 8, Brgy IV, ng nabanggit na bayan

Nakuha sa ikinasang operasyon ang isang (1) katamtamang pakete ng hinihinalang shabu (buy-bust drug); at Isang (1) puting plastic bag na naglalaman ng isang (1) shoebox na may trademark Noblesse laman ang isang (1) puting coin purse

Laman naman ng nakumpiskang coin purse ang dalawang (2) piraso ng isang libong piso at isang (1) limang daang piso (Boodle Money)

Gayundin ang isang (1) limang daang piso (buy-bust money) at Walong (8)  piraso ng katamtamang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Samantala, ang suspek kasama ng mga nakuhang ebidensya ay kasalukuyang nasa pangangalaga na ng Daet MPS para sa paghahanda ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng RA 9165 laban sa kanya

(photo: CNPPO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *