National IATF, planong itaas sa MECQ ang quarantine classification sa Catanduanes

BNFM BICOL– Plano ng National IATF na isailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine ang buong probinsya ng Catanduanes dahil sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19.

Bunsod nito, nagpatawag ng pagpupulong ang Local IATF sa kapitolyo ng probinsya makaraang matanggap ang report ng DILG, na isasailalim sa mas mataas na lebel ng quarantine classification ang probinsya mula sa MGCQ tungo sa MECQ.

Sakaling maipatupad ang naturang quarantine classification, mas magiging mahigpit ang mga ipapasunod na restriksiyon upang mapigilan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19 infections sa buong isla.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, susubukan nilang makipag-usap at umapela sa National IATF upang hindi matuloy ang pagsasailalim nito sa MECQ at panatilihin na lamang sa MGCQ ang buong lalawigan.

Sakali kasi aniyang mangyari ito, lubha nanamang maapektuhan ang galaw ng ekonomiya sa lugar dahil sa limitasyon sa galaw ng tao at operasyon ng mga negosyo.

Batay sa pinakahuling ulat ng Catanduanes Provincial Health Office, pumalo na sa 2,188 ang kabuuang kaso ng COVID-19 islang probinsya.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *