NBA: Dallas tinabla ang Utah, 1-1 na

Hindi ininda ng Dallas Mavericks ang kawalan ng kanilang star-player na si Luca Doncic para itabla ang serye sa 1-1 laban sa Utah Jazz sa first round ng NBA playoffs.

Bumida si Jalen Brunson na nagtala ng career-high 41 points sa 110-104 win ng Dallas sa Game 2 na ginanap sa kanilang home court.

Tumikada ng 6 of 10 shooting sa tres si Brunson habang nagdagdag naman ng 25 puntos si Maxi Kleber na uminit din sa 8/11 shooting mula sa labas.

Nanguna para sa Jazz si Donovan Mitchell sa kanyang 31 points habang may na 25 at 21 points sina Bojan Bogdonavic at Fil-am Jordan Clarson.

Sa ibang laro, 2-0 na pabor sa Golden State Warriors ang serye matapos ilampaso ang Denver Nuggets sa Game 2, 126-106.

May 2-0 advantage na rin ang Philadelpia 76ers kontra Toronto Raptors matapos talunin sa Game 2 sa score na 112-97.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *