NBI Security Management chief – sibak matapos makalabas sa ang high profile inmate na si Jad Dera

Inalis na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pwesto ang hepe ng kanilang Security Management Section matapos makalabas sa kanilang pasilidad ang high profile inmate na si Jad Dera noong Martes ng gabi.

Si Dera ay kapwa akusado ni Sen. Leila De lima sa kinakaharap na drug case.

Sa pahayag na inilabas ng NBI, sinabing, iniimbestigahan na nila ang insidente at aalamin ang puno’t dulo nito kabilang ang posibleng pagkakasangkot ng ilan sa kanilang mga tauhan.

Tiniyak din ng ahensiya na hindi nila kukunsintihin ang anumang maling gawain na makakapekto sa tiwala ng publiko sa ahensiya.

DOJ, iniimbestigahan ang posibleng sabwatan

Iniimbestigahan na rin ng Department of Justice kung may sapat na permit ang naging paglabas ng detainee na si Dera.

Ayon kay DOJ spokesperson Asec. Mico Clavano, pumunta umano si Dera sa Makati para makipagkita sa ilang tao na di na niya pinangalanan ng DOJ.

Samantala, kabilang din sa kanilang titingnan kung may nangyaring sabwatan sa pagitan ng mga tauhan ng NBI at ng naturang high profile detainee.

Samantala, nilinaw naman ng abogado ni Dera na si Atty. Raymund Palad na lumabas ang kanyang kliyente sa pasilidad para umano magpatingin sa doktor dahil masama ang kanyang pakiramdam.

Gamit pa aniya nila ang marked vehicle ng NBI kaya ikinagulat ng kaniyang kliyente ang pangyayari. Handa naman nilang sagutin ang anumang alegasyon at imbestigasyon.

Itinanggi rin ng kampo ni Dera na may anuman silang kaugnayan kay Rep. Arnolfo Teves Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *