New Zealand Ambassador bumisita sa Bataan

Bumisita si New Zealand Ambassador Peter Kell sa lalawigan ng Bataan nakalipas na araw.

Sa pagbisita nito ay ipinakita ng Bataan Provincial Government ang kasaysayan ng probinsya na inspirasyon sa ginawang The Bunker na nagsisilbing one-stop government center.

Layon umano nitong patatagin pa ang ugnayan ng New Zealand at lalawigan para sa mga programang makakatulong sa mamamayan.

Noong Marso ay una nang nakipagpulong ang Provincial Government sa New Zealand Creative HQ.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Gov. Joet Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *