NFA nagtalaga ng bagong OIC kapalit ng sinuspendeng Administrator

Nagtalaga na ang National Food Authority Council ng Office in Charge sa NFA kapalit ng sinuspendeng Administrator Roderick Bioco.

Sa isinagawang pulong ngayon, hinirang ng NFA Council na OIC si Piolito Santos.

Siya ay dating Assistant Administrator for Finance and Administration ng NFA.

Ayon kay Santos na una niyang aasikasuhin ang pag-ayos sa mga bodega ng bigas sa mga rehiyon para maihanda ngayong peak harvest season.

Target ng NFA na makapamili ng 300 thousand Metric tons ng palay para sa buffer stocking.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *