Nitso sa isang sementeryo sa Oas, Albay agaw pansin dahil sa kakaibang pintura

BICOL—Lahat ay napapalingon at napapatingin sa isang nitso sa Oas Catholic Cemetery dahil sa kakaibang disenyo at pintura nito.

Aakalain mong isa itong malaking kahon ng gatas sa gitna ng mga katabing nitso dahil sa pintura nitong hango sa disenyo ng kahon ng Alpine milk, isang brand ng gatas na gawa ng Alaska Milk Corporation.

Ayon sa anak ng nakahimlay sa nitso, iba ibang produkto kada taon ang pintura ng nitso ng kanilang ama mula noong 2013.  Ang kahon ng gatas na nakadisenyo ngayon ay ang brand ng paborito umano nitong gatas noong nabubuhay pa ito.

Taong 2011 nang bawian ng buhay ang kanilang amang si Jose Relleve dahil sa atake sa puso at mula sa taong iyon ay kakaiba na raw talaga ang pintura sa nitso nito. Pinakulayan ito ng kanyang kapatid ng stripe na pula, puti at itim.

Noong 2012 naman ay kumbinasyon ng sliver at gold na may mga bituin at buwan na hango sa Egyptian design. Nitong nakaraang taon ay isang brand ng chewing gum umano ang idinisenyo nila.

Sa mga nagdaan pang taon ay napinturahan din ito ng brand ng chocolate, coffee shop, alak, rubber shoes, damit, pabango at sports car.

Ayon kay Angelle, anak ng yumao, hindi naman nila binabastos ang tradisyon at sa halip ito lamang anya ay paraan ng kanilang pamilya para maipahayag ang kanilang pagmamahal at pag-alala sa kanilang namapayang ama.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *