No. 1 MWP ng Casiguran at itinuturing din na No. 10 MWP ng Bicol region, arestado sa Zambo City

Arestado ang isang retiradong sundalo sa ikinasang law enforcement operations sa pamamagitan ng warrant of arrest sa Mangusu Village, Zamboanga City noong Lunes, Agosto 7.

Ang akusado ay nakalista bilang No. 1 most wanted person ng Casiguran MPS at No. 10 most wanted person ng Bicol region.

Kinilala itong si Abelardo Hagos Geneblazo, 67-anyos, may asawa, retired airforce at residente ng Brgy Sta Cruz, Casiguran, Sorsogon.

Ang akusado ay may standing warrant of arrest sa kasong rape na nangyari noong 2016.

Walang itinakdang piyansa ang korte sa nasabing kaso.

Si Geneblazo ay inaresto ng mga pulis mula sa Casiguran MPS kabilang ang mga tauhan ng Regl MFB9, 1st Zambo City Mobile Force Company, 55th Special Action Company, 5th Special Action Battalion ng PNP-Special Action Force.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *