NOLCOM, tiniyak ang tulong para sa SAFE at SECURE election

Tiniyak ng Northern Luzon Command o NOLCOM ang kanilang tulong para magkaroon ng safe at secure na halalan sa darating na Mayo.

Ayon kay NOLCOM Commander Lieutenant General Ernesto Torres Jr., handa ang Airforce, Army, at Naval unit sa ilalim ng NOLCOM na umalalay sa pulisya at COMELEC.

Sinabi pa nito na maliban sa pagkakaroon ng Joint security control center, kabilang din sa kanilang gagampanan ang pagbibigay ng area security, at pagtiyak sa kaligtasan ng mga tumatakbong kandidato mula region 1,2,3 at Cordillera region.

Ginagarantiya din ng opisyal na mananatili silang non-partisan, at apolitical.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *