‘Non-cash relief assistance sa mga Mayon Evacuees, ipamahagi’ – PBBM

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand BongBong Marcos Jr. sa mga kinauukulang ahensya na magsagawa ng maayos na pagbusisi sa kondisyon ng mga residente na apektado ng pag aalburoto ng bulkang Mayon.

Ito ay upang matukoy ang mga lugar na nangangailangan ng karagdagang non-cash assistance.

Ayon sa Pangulo, hindi “monetary assistance” ang pinaka solusyon sa para matulungan ang mga apektadong pamilya.

Aniya, may budget na nakalaan para rito kung kayat kailangang pag-aralan nang mabuti.

Dagdag pa ni Marcos, hindi maaring magbigay ng pera nang hindi nasisiyasat ang mga kakailanganin ng mga apektadong residente.

“Whatever is needed, we will have to provide. Marami naman tumutulong, marami namang ahensya. All agencies are already engaged in the rehabilitation effort, in the support for the evacuees,” ani ng Pangulo.

Nais ding bigyang halaga ng pangulo ang iba pang pangangailangan ng mga apektadong pamilya kagaya ng edukasyon at mental health ng mga bata na naapektuhan ng pinsalang dulot ng posibleng pagsabog ng Bulkang Mayon. (JC Javier/Mercell Velila – Brigada Interns)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *