Northern Palawan Provincial Hospital, ipinaliwanag ang pagkamatay ng 3 buwang sanggol sa COVID-19

Ipinaliwanag ni dr. Juvelito c. Ang, chief of Northern Palawan Provincial Hospital ang pagkamatay ng 3 buwang gulang na sanggol na nagka- covid-19 sa bayan ng Taytay noong ika- 15 ng Agosto.

Ayon kay Dr. Ang, unang naisugod ang sanggol dahil nakaranas ito ng kumbolsyon at nakaranas ito ng bleeding o pagduro sa kanyang paa.

HinsiĀ  nailipat ang bata sa Ospital ng Palawan dahil sa walang bakante sa ONP. Paliwanag nito nasa polisiya na bago mailipat sa ibang pagamutan ay kinakilangan isailalim sa antigen testo RT- PCR test.

Mababatid na base sa confirmatory result o RT-PCR test ng sanggol na mula sa Brgy. Alacalian sa Taytay ay positibo ito sa COVID-19.

Isa sa tinitignang dahilan ay maaring nagkaroon ng exposure ang magulang ng bata sa labas na posibleng may dala ng virus.

Mensahe nito sa mamamayan na huwag maging kampante dahil walang pinipiling edad ang banta ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *