NPA na may maramihang kaso ng pagpatay at isa sa suspek sa paglikida sa Intel Police sa bayan ng Irosin, naaresto sa manhunt ops

Naaresto na sa ikinasang manhunt operations ng Juban MPS ang isang kasapi ng rebeldeng grupong NPA na maliban sa may kinakaharap na ‘multiple cases of murder’ ay suspek din sa pamamaslang sa isang Intel Police sa bayan ng Irosin, Sorsogon.

Kinilala ang wanted na si Renante Delos Santos Millares, 36-anyos, may kinakasama, laborer at residente ng Tongdol, Irosin. Naaresto ito sa Brgy Buraburan, Juban, Sorsogon

Kabilang sa mga kasong kinakaharap ni Millares ay 3 counts of murder na walang piyansa, attempted murder na may piyansang P120K at theft namya itinakdang piyansa na P6K.

Itinuturo rin si Millares na isa sa gunman sa pagpaslang sa isang Intel Police noong 2018 sa bayan ng Irosin na si PO1 Michael Monte Villalobos.

Sa pamamagitan ng nakuhang ebidensya at CCTV footages, lumabas na sina Millares at Jose Marie Estiller ang gunmen habang nagsilbing look-out at pointman naman si Noel Galido Fumera.

Ang manhunt operations ay isinagawa ng Juban PNP sa pangunguna ni PCpt Jonathan Hapa katuwang ang 96MICO at 92SAC 9SAB PNP SAF.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *