Nuclear arms control natalakay sa Geneva summit nina Putin at Biden

Kapwa pinuri nina US President Joe Biden at Russian President Vladimir Putin ang isa’t isa matapos ang kanilang pulong sa Geneva bagamat minimal lang ang progreso mula sa huling pag-uusap ng dalawang bansa noong 2018.

Sinabi ni Biden na nailahad nila ni President Putin ang mga “disagreements” kasabay ng pagkumpirma na ayaw din ng Russia ng bagong Cold war.

Tinawag naman ni Putin si Biden bilang isang experienced statesman kung saan iisa ang kanilang tinutumbok.

Bagamat inabot lang ng 4 na oras ang pulong, sinabi ni Biden na ang mahalaga ay mayroon nang genuine prospect para mapabuti ang kanilang relasyon sa Russia

Nagkasundo ang dalawang leader na simulan ang pag-uusap sa nuclear arms control habang ibabalik na din ang kani-kanilang mga ambassadors na parehong ni-recall para sa konsultasyon noong Marso bunsod ng alegasyon ng US ng pakikialam ang Russia sa 2020 Presidential election.

Bago ang pulong ay inihayag ng dalawang leader na hindi naman talaga sumadsad ang relasyon ng dalawang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *