OCD-DND Water Filtration Team, tiniyak na malinis ang mga tubig sa ilang mga evacuation centers sa Albay

LEGAZPI CITY – Tiniyak ng Office of Civil Defense (OCD) at Department of National Defense (DND) na malinis ang mga tubig na ginagamit ng mga evacuees ng Bulkang Mayon sa ilang mga evacuation centers sa lalawigan ng Albay.

Upang masuri ang sitwasyon ng mga evacuees, personal na pinuntahan ni Civil Defense Administrator USec. Ariel Nepomuceno ang mga lumikas na residente na kasalukuyang naka-evacuate sa Pawa Evacuation Center sa Tabaco City, Albay noong Huwebes, Hunyo 15.

Sina Nepomuceno, kasama sina OCD Operations Service Director Cesar Idio, OCD Bicol Regional Director Claudio Yucot, at ilang pangunahing opisyal mula sa LGU ay nag-inspeksyon sa mga pasilidad at suplay ng pagkain ng evacuation center.

Nito lamang ding nakaraang linggo, bumisita naman sa ilang mga evacuation centers sa Guinobatan, Albay ang OCD-DND Water Filtration Team para magbigay ng malinis at maayos na tubig sa mga evacuees.

Dala ng OCD-DND Water Filtration Team ang isang truck ng tubig at ilang truck na may karga ng mga malalaking water bags, kanya-kanya namang kumuha ang mga bakwit ng kanilang mga tubig dala ang kanilang water jugs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *