Official selection ng Philippine National Football Team members, pinaghahandaan

Puspusan nang nagsasanay ang mga Filipino football players sa Rizal Memorial Stadium sa Manila para paghandaan ang official selection ng mga bagong miyembro ng Philippine National Football Team.

Ang mga mapipiling manlalaro ay kakatawan sa bansa sa FIFA World Cup.

Positibo naman ang pangitain ng bagong Philippine men’s national football team head coach na si Tom Saintfiet sa mga homegrown na manlalaro na mayroon ngayon sa bansa.

Ayon kay Saintfiet, maari kasing sila ang magsulong sa Pilipinas sa AFC Asian Cup at mamayagpag sa FIFA World Cup.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *