Olongapo CHO nagsisimula na sa pagbabakuna kontra MMR

Nagsisimula na sa house-to-house ang Olongapo City Health Office sa iba’t ibang barangay.

Ito ay para magbakuna sa mga bata edad 12-months hanggang 15-months at 4-years old hanggang 6-years old kontra measles, mumps at rubella o MMR.

Ayon kay City Health Officer Dr. Doods Bustamante, napansin ng Department of Health Region 3 na mababa ang porsyento ng nababakunahan kontra MMR ng lungsod.

Ito ay nasa 39% lamang umano kaya agad-agad ay nagsimula ngayong araw ang CHO sa mga barangay na tatagal hanggang Huwebes o Byernes ngayong linggo.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *